-- Advertisements --

Pansamantalang ipinagpaliban ng White House ang muling pagkikita nina US President Donald Trump at Russian President Vladimir Putin.

Itinakda sana ngayong linggo ang pulong ng dalawa sa Budapest, Hungary para talakayin ang giyera sa Ukraine.

Bilang paghahanda ay unang magkikita sina US Secretary of State Marco Rubio at Russian Foreign Minister Sergei Lavrov subalit nagkausap na sila sa telepono.

Naging mabunga ang pag-uusap nina Rubio at Lavrov kung saan sinabi ng White House na hindi na mahalaga na magkita pa sina Trump at Putin ng personal.

Hindi na idinetalye pa ng White House ang kadahilanan ng nasabing pagpapaliban ng pulong ng dalawang lider.

Magugunitang noong nakaraang linggo ay sinabi ni Trump na muling magkikita sila ni Putin isang araw bago ang pagbisita sa White House ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky .