banac
Col Banac

Suportado ng PNP ang pagkakalusot ng panukalang mandatory Reserve Officers Training Corps (ROTC) para sa senior high school sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara.

Ayon kay PNP Spokesperson P/Col. Bernard Banac, malaki ang maitutulong ng ROTC sa mga kabataan lalo na ang mga nalululong sa mga gadgets.

Magiging daan rin aniya ang ROTC sa mga nagnanais o nangangarap na maging pulis o sundalo.

Dagdag pa ni Banac, malaking tulong din ang ROTC para maging handa ang mga kabataan sakaling kakailanganin ng reserved force para tumugon sa anumang banta partikular sa mga kalamidad, disasters at emergencies.

“Doon sa mga kritiko ng ROTC makaaasa po tayo na ‘yun naman pong mga nakaraang insidente ng pang-aabuso ay hindi naman po pangkalahatan, isolated incidents na maaari naman pong mapigilan at maayos sa maayos na pagpapatupad at ang mas tinitingnan natin dito ay yung overall readiness of our youth to serve in the uniformed service and to respond,” pahayag ni Banac.