MSU suspect ambush
-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Dalawa katao ang nasawi at isa ang nasugatan sa pananambang sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang mga nasawi na sina Montanao Silongan Usman na residente ng Talitay, Maguindanao at Abdul Ambel Mama na nakatira sa Barangay Tamontaka, Datu Odin, Sinsuat, Maguindanao.

MSU suspect ambush

Ayon kay Datu Odin Sinsuat chief of police Lt Col Rommel Dela Vega, habang lulan ng kaniyang sasakyan si Mindanao State University (MSU) Professor Daud Kadon sa Barangay Kurimtem, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao ay bigla itong dinikitan ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang kalibre .45 na pistola.

Kahit sugatan si Kadon ay gumanti ito ng putok sa mga suspek gamit ang kanyang .9mm pistol.

Patay on the spot ang isa sa mga suspek habang hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang kanyang kasama habang daplis lamang ang tama sa katawan sa biktima.

-- Advertisement --

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station para matukoy ang utak sa pumalpak na planong pagpatay sa USM professor.