talisay
Gazini and Gray/Bb. Pilipinas Twitter image

ILOILO CITY – ​Dininig aniya ng Diyos ang panalangin ng 23-year-old beauty queen na si Gazini Ganadoz, kaya sobra siyang nagpapasalamat matapos tanghalin bilang Miss Universe-Philippines sa katatapos lang na Binibining Pilipinas 2019.

Sa exclusive interview ng Star FM Iloilo kay Gazini Ganados, Filipino-Palestinian model mula sa Talisay City, Cebu, sinabi niyang
hanggang sa ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang siya ang nanalo.

Ginawa daw umano niya ang kanyang best at napaghandaang tanggapin ng bukal sa kalooban at ituturing na magandang oportunity kung ano man ang magiging resulta sa coronation night, kahit pa talagang goal niyang makuha ang 2019 Miss Universe-Philippines crown.

”Hindi pa rin makapaniwala na ako talaga yong nanalo na Ms. Universe pero chin up naman. I just thought about, I’ll do my best and then to whatever comes that will be oportunity. I will accept what will happen with an open heart. Pero yong goal ko talaga is Ms. Universe. I’m so thank you lang na dininig na Diyos yong panalangin ko,” wika ni Ganados.

Dagdag pa na Ganados, sa ngayon ay may mga kabilaang interviews silang pinaghahandaan kaya hindi pa umano siya
makakauwi kaagad ng Cebu.