-- Advertisements --

Sa kabila ng halo-halong reaksyon sa social media tungkol sa kanyang performance sa katatapos lamang na Miss Universe Philippines competition, nananatiling kalmado at positibo si Ahtisa Manalo, ang bagong kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe 2025.

Bagama’t may ilan ang nagbigay ng negatibong opinyon, karamihan sa mga netizens ay humanga kay Ahtisa at naniniwalang deserved nito ang titulong Miss Universe Philippines.

Sa isang panayam, sinabi ng beauty queen na sanay na siya sa mga negatibong comments bilang isang public figure.

‘You’re a public figure, you always get unsolicited advice or opinion and I’m used to it… It’s nothing new,’ ani Ahtisa.

Gayunpaman, nanawagan siya sa publiko na panatilihin ang kabutihan sa pagco-comment anuman ang kanilang sinusuportahang kandidata.

‘I just hope that when people give these pieces of advice, that they remember to be kind,’ dagdag pa niya.

Aminado si Ahtisa na hindi siya nagbabasa ng karamihan sa mga comments, ngunit tulad ng iba, isa rin siyang tao na may damdamin.

‘At the end of the day, even if we don’t read most of it, I don’t read it naman kahit anong sabihin niyo I don’t read your comments. But sometimes when something gets true, let’s remember that we’re still people (and) we still feel things,’ saad niya.

Pinuri ng kanyang mga tagahanga ang kanyang pagiging mahinahon at matalino sa pagtugon sa mga isyu. Marami rin ang nagpahayag ng excitement para sa nalalapit niyang laban sa international stage.

Sa isang naunang panayam, ibinahagi ni Ahtisa ang kanyang hangarin na maiuwi ang ikalimang Miss Universe crown para sa bansa, kasunod nina Gloria Diaz, Margie Moran, Pia Wurtzbach, at Catriona Gray.

‘I want to bring the fifth crown to the Philippines. Five is my lucky number —my birth month is May, there were five signs before I joined, and [five seats left] on my flight to Laoag for contract signing. I believe in that,’ ani Athisa.

Inaasahan ng marami na magiging malakas ang laban ni Ahtisa sa darating na Miss Universe pageant ngayong taon.