Isang malakas na pagsabog ang naganap sa fireworks facility sa Esparto, Yolo County, California ang na-video-han nitong Martes (local time). Kung saan makikita sa sa video ang makapal na usok na umabot sa himpapawid at tanaw rin sa ilang bahagi ng lungsod na malapit sa Sacramento.
Bukod sa pangunahing pagsabog, ilang fireworks din ang sumabog sa ere, ayon sa mga kuhang video. Nagdulot ito ng malaking sunog na dahilan upang maglabas ng mandatory evacuation orders para sa mga kalapit na residente.
Bukod sa pagsabog, ilang fireworks din ang sumabog sa ere. Nagdulot naman ito ng malaking sunog sa lugar dahilan para maglabas ng mandatory evacuation orders ang lokal pamahalaan para sa mga kalapit na residente.
Samantala kasalukuyang iniimbestigahan ng CalFire’s arson bomb unit ang sanhi ng pagsabog.
Gumagamit na rin ang mga awtoridad ng drones upang masuri ang lawak ng pinsala.
Sa ngayon, wala pang kumpirmadong ulat kung may nasugatan o nasawi sa insidente.