-- Advertisements --

Kamakailan nang inanunsyo ng Thai entrepreneur at owner ng Miss Grand International na si Nawat Itsaragrisil (MGI), ang pagkakasali nito bilang executive director ng Miss Universe Organization.

Sa isang panayam kay dating Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez, hinggil sa posibleng epekto ng bagong pamunuan sa tsansa ng Pilipinas sa kompetisyon.

Sinabi nito na umaasa pa siya sa integrity ng Miss Universe bilang isang organisasyon. Ayon pa sa dating beauty queen may pag-asa pa rin ang representative ng Pilipinas ngayong taon.

Ang panayam ay isinagawa sa paglulunsad ng bagong partnership ng sikat na streaming platform na layong maghatid ng mas pinahusay na home entertainment experience sa mga pamilyang Pilipino.

Sa kabilang banda si Nawat ay dating taga usig ng MU bilang isang kompetisyon sa posisyon ng ”number one pageant” sa mundo.