Wala nang saysay na hintayin pa ang motion for reconsideration na ihahain ng Kamara sa articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte dahil “immediately executory” ang desisyon ng Korte Suprema.
Ito ang binigyang-diin ng neophyte senator at isa ring abogado na si Senador Rodante Marcoleta.
Paliwanag niya, dahil unanimous ang pasya ng mga mahistrado na unconstitutional ang impeachment case laban sa bise presidente, malabong may isang mahistrado na babawi sa kanyang desisyon.
Giit niya, kapag sinabi ng Korte Suprema na “void ab initio” at “unconstitutional,” pati pinto at bintana, aniya, ay isinara na para sa kahit anong apela.
Samantala, ipinaliwanag din ni Marcoleta kung bakit nauwi sa Agosto 6 ang botohan sa ruling ng Korte Suprema ukol sa impeachment case ni VP Sara.
Iba-ibang petsa, aniya, ang iminungkahi — may Agosto 4 at 11 — pero kalauna’y napagkasunduan ang Agosto 6.
Paliwanag ni Marcoleta, isang senador ang nagsabi na mas mainam ang Agosto 6 dahil ito ay araw ng Miyerkules at may sapat na “cooling-off period” dahil kinabukasan ay walang sesyon.
Aniya, inaasahang magiging mainit ang debate kaya mahalagang may panahon ang mga senador upang makapagpahinga at makapagmuni-muni bago bumalik sa sesyon