Posible umanong makaapekto ang protective shield na nakalagay sa inilabas na prototype design ng Ainter-Angency Task Force (IATF) para sa mga motorsiklong papayagan mag-angkas simula ngayong araw.
Ayon sa ilang eksperto sa motorsiklo. lubha raw kasing delikado ang protective shield na ito para sa aerodynamics ng motorsiklo lalo na kapag malakas ang hangin. May tsansa raw kasi na itulak ng hangin ang motor at mararamdaman din umano ng driver na pumapalag ito dahil pipigilan ng protective shield ang maayos na pagdaloy ng hangin.
Nagpahayag naman ng pagtutol ang Motorcycle Philippines Federation sa protective barrier na ilalagay sa gitna ng rider at driver para maiwasan ang lalo pang pagkalat ng COVID-19.
Sinabi ni Director for Administration ngMotorcycle Philippines Federation Atoy Sta. Cruz na posible pa umano itong maging dahilan na maaksidente ang magka-angkas.
Aniya sapat na raw ang pagsusuot ng facemask, faceshield at full face helmet sa kadahalinang mag-asawa naman ang nakasakay sa motorsiklo.
Hiniling din ng grupo kay DILG Sec. Eduardo Ano na obligahin ang lahat ng mag-asawa o live-in partner na kumuha ng ID o certification na magpapatunay na nakatira sila sa iisang bahay upang mapabilis ang gagawing checkpoint.