Nagsimula ang pagtitipon ng 133 cardinals mula sa iba’t-ibang panig ng mundo para pumili ng bagong Santo Papa.
Bago isagawa ang conclave ay bawat isa sa kanila ay nagtungo sa harap para banggitin ang oath of secrecy sa Sistine Chapel.
Naging mahigpit ang gagawing conclave dahil walang pinayagan na magdala ng cellphone at camera para maging sagrado ang pagpili ng Santo Papa.
Sa kasaysayan ng Pilipinas ay mayroong tatlong Cardinals ang kabilang sa conclave at ito ay pinangunahan nina Luis Antonio Tagle ang pro-prefect at the Vatican’s Dicastery for Evangelization,; Cardinal Jose Advincula ng Archdiocese ng Manila at Kalookan at Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) president Pablo Virgilio David.
Matapos ang pagbabasa ng kanilang mga oath of secrecy ay pinalabas ni Archbishop Diego Giovanni Ravelli,Master of Papal Liturgical Celebrations, ang ibang mga tao at tanging mga cardinals lamang ang naiwan sa Sistine Chapel.
Isinara din ni Ravelli ang pintuan ng Sistine Chapel kung saan guwardiyado ito ng mga Swiss Guard.
Magugunitang mayroong apat na Cardinals ang pinagpipilian na susunod na maging Santo Papa at ito ay sina: Cardinal Peter Kodwo Appiah Turkson ng Ghana,, cardinal Pietro Parolin ng Italy , cardinal Luis Antonio Gokim Tagle Pilipinas , cardinal Fridolin Ambongo Besungu ng Congo, Cardinal Robert Francis Prevost ng US, cardinal Matteo Zuppi ng Italy, cardinal Peter Erdo ng Hungary at cardinal Pierbattista Pizzaballa ng Italy.