-- Advertisements --
Inaresto ng mga kapulisan sa Milan, Italy ang hindi bababa sa 10 protesters.
Nakasagupa ng mga otoridad ang protesters habang isinasagawa ang Winter Olympic Games.
Hindi sang-ayon ang mga protesters sa mga laro ganun din ang mga pagtaas ng bilihin sa Italy.
Noong nakaraang linggo ay hinigpitan ng gobyerno ang batas laban sa pagpaprotesta kung saan sa Turin ay may 100 na kapulisan ang nasugatan.
Tinawag naman ni Prime Minister Giorgia Meloni na ang mga nagpo-protesta bilang kalaban ng Italy.
Dahil sa kilos protesta ay naantala ang mga train station services sa lugar.
















