Hindi hadlang ang nararanasang init ng panahon para manatiling aktibo at fit. Sa halip na tamarin, narito ang mga paraan upang ligtas at epektibong maipagpatuloy ang fitness goals ngayong tag-init:
- Alamin ang kasalukuyang lagay ng inyong kalusugan
Obserbahan ang reaksyon ng katawan ngayong tag-init, lalo na kung may kondisyon tulad ng hika, altapresyon, o problema sa puso at bato.
- Alamin ang tamang oras at init kapag mage-ehersisyo
Iwasan ang outdoor activities mula alas-10 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon at huwag mag-ehersisyo kung ang heat index ay higit sa 32°C.
- Bigyang-halaga ang Hydration at Nutrisyon
Uminom ng hindi bababa sa 2 litro ng tubig kada araw at umiwas sa mga inuming nakakadagdag ng dehydration tulad ng kape at alak. Maghanda ng mga healthy smoothies bilang alternatibo.
- Mag-ehersisyo sa loob ng bahay
Panatilihin ang indoor temperature sa 23°C hanggang 25°C. Subukan din ang mind-body workouts gaya ng Pilates, yoga, functional strength training, at aqua exercises kung may swimming pool.
- Iwasan ang maling paniniwala sa pagpapapawis at pagbawas ng timbang
Ang pawis ay hindi katumbas ng fat loss. Ang tunay na pagbabawas ng timbang ay mula sa calorie burn at calorie deficit.