-- Advertisements --
Wala pang napili ang mga cardinals na bagong Santo Papa na unang araw ng Conclave voting.
Sa mahigit na tatlong oras na ginawang pagsisimula ng botohan sa Sistine Chapel ay inabangan ng buong mundo ang paglabas ng puting usok sa chimney ng chapel dakong alas-9 ng gabi oras sa Vatican.
Subalit pagkatapos ng tatlong oras ay lumabas ang itim na usok na nangangahulugan na wala pang bagong napiling Santo Papa.
Base naman sa pagtaya ng mga Italian Police ay aabot sa mahigit 30,000 na mga katao ang naghintay sa paglabas ng bagong Santo Papa.