Pansamantalang pinahinto ng US federal judge ang planong deportation sa mga migranteng Asyano, kabilang ang mga Pilipino, patungong Libya.
Ayon kay Judge Brian Murphy, maaaring malagay sa panganib ang buhay ng mga migrants kung ipapadala sa bansang mag kasalukuyang kaguluhan at paglabag sa karapatang pantao.
Iniulat na gagamitin sana ang military aircraft ng Estados Unidos para sa pagpapadeport ng mga illegal migrants ngunit itinanggi ng pamahalaan ng Libya na may kasunduan ito sa Amerika.
Nagbigay babala si Judge Murphy na hindi maaaring ipasa ng Department of Homeland Security ang kanilang tungkulin sa ibang ahensya, kabilang ang militar. Ayon pa sa kanya, ang naturang deportation ay tahasang paglabag sa kanyang kautusan.
Ang Libya nga ay kasalukuyang nahahati sa dalawang pamahalaan at patuloy na nahaharap sa kaguluhan mula pa noong taong 2011.