-- Advertisements --

Pinuna ni Pope Leo XIV ang pag-deploy ng mga US military sa Caribbean, na tinukoy niyang nagdudulot ng pagtaas ng tensyon sa rehiyon.

Sa kanyang pahayag noong Martes, sinabi ng Santo Papa na walang nagtatagumpay sa karahasan, at binigyang-diin ang kahalagahan ng paghahanap ng diyalogo upang lutasin ang mga isyu.

Bagamat hindi tinukoy si U.S. president Donald Trump, binanggit ni Pope Leo na ang US naval vessels na papalapit sa baybayin ng Venezuela, ay nagpapakita aniya ng alalahanin sa paglala ng sitwasyon.

‘In this case, however, it seems a bit different. It increases tension,’ ani ng Santo Papa.

Samantala, binanggit din ni Pope Leo ang isyu ng mga foreign migrants na nakakulong sa Chicago, na maalalang tinirhan ng Santo Papa na pangunahing target ni Trump sa immigration crackdown. “Jesus says very clearly at the end of the world, we’re going to be asked, how did you receive the foreigner, did you receive him and welcome him or not,” saad nito.