Sinimulan nang isalang sa pagdinig ang mga mosyon na inihain ng Ampatuan massacre convicts sa Quezon City Regional Trial Court (RTC).

May kinalaman ito sa hirit ni dating ARMM Gov. Zaldy Ampatuan na mailipat siya sa infirmary facility ng New Bilibid Prisons (NBP).

Habang may hiwalay ding mga mosyon sina Anwar Ampatuan, Sr., dalawa nitong anak at PCol. Bahnarin Kamaong.

Sa hirit ni Kamaong, nais niyang malinawan ang pagkakasama ng pangalan sa acquitted at sa listahan ng mga convicted.

Dahil dito, hinihingan ng panig ng hukuman ang prosekusyon hinggil sa mga kahilingan ng masacre convicts.

-- Advertisement --