NAGA CITY – Patay ang itinuturing na high value target ng Ibaan Municipal Police Station matapos umanong manlaban sa otoridad sa gitna ng buy bust operation sa Brgy. Maligaya, Rosario, Batangas.

Kinilala ito na si Nicky Alcantara Corachea na nangungunang high value target ng bayan ng Ibaan.

Sa impormasyon na ipinadala ng Batangas Police Provincial Office sa Bombo Radyo Naga, nagpositibo umano ang isinagawang operasyon ng otoridad laban sa suspek.

Ngunit nang aarestuhin na umano ay bigla itong pumalag at nakipagpalitan ng putok sa otoridad.

Nagtamo ng tama ng bala sa katawan si Corachea na agad naman na naitakbo sa malapit na pagamutan ngunit idineklara ring dead on arrival ng otoridad.

Samantala, narekober naman ng otoridad sa suspek ang aabot sa 5 gramo ng pinaniniwalaang shabu, isang .45-caliber, tatlong empty shells para sa .45-caliber, dalawang empty shells para sa caliber 9mm, isang cellphone at ilang halaga ng pera.

Napag-alaman na una na ring naaresto ng otoridad ang suspek sa kaparehong kaso ngunit nakalabas dahil sa Plea Bargaining Agreement noong 2018.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here