MOSCOWS
-- Advertisements --

Magpapatupad ang Moscow sa Russia ng 10 araw na lockdown dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Sinabi ni Moscow Mayor Sobyanin na magsisimula ito mula Oktubre 28 hanggang Nobyembre 7.

Dagdag pa nito na sa loob ng 10 araw ay lahat ng mga trabaho sa nasabing lugar ay suspendido.

Nitong nakaraang araw din ay pinayuhan ng alkalde ang lahat ng mga may edad 60 pataa at yung mga dumaranas ng mga chronic diseases na manatili na lamang sa kanilang bahay ng apat na buwan.

Magugunitang noong nkaaraang araw ay nakapagtala ang Russia ng mahigit 1,000 katao na nasawi matapos dapuan ng COVID-19.

-- Advertisement --