Moderna 1
-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Moderna Inc. na ligtas sa mga bata edad 6 hanggang 11 ang kanilang COVID-19 vaccine.

Ito mismo ang lumabas sa isinagawang clinical trial ng kumpanya sa mga bata.

Base sa kanilang data na 50 microgram doses ng bakuna, kalahati ng lakas ng doses na inilalagay sa bakuna ng mga may edad na ang inilagay sa mga bakuna ng mga bata.

Nagkaroon aniya ito ng virus-neutralizing antibodies sa mga bata.
Plano din ng kumpanya na isumite ang data sa US, European at ilang regulator.