DAVAO CITY – Hinangaan ni DOH secretary Francisco Duque III ang lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Dabaw dahil sa matagumpay na pagsasagawa ng ika-tatlong Covid-19 Vaccine Transport and Vaccination Simulation Exercise dito sa lungsod.

Inihayag ni Duque na sa naturang simex nakikita ang kahandaan ng lungsod at kung gaano ito ka seryoso sa pagpapatupad ng mga hakbangin laban sa COVID 19 rason kung bakit patuloy ang pagbaba ng mga kaso ng coronavirus sa lungsod.

-- Advertisement --

Umaasa naman si Duque na ipagpapatulog ng lungsod ang mga ginagawa nitong hakbangin upang makontrol ang pagtaas ng covid 19 cases kung hindi man tuluyang mapigilan.

Samantala, mismo si Health Secretary Francisco Duque III ang personal nga nanguna sa ‘mock vaccination’ kay Presidential Spokesperson Harry Roque sa vaccination area ng Southern Philippines Medical Center (SPMC) dito sa lungsod.

Pinangunahan naman ni National Task Force COVID-19 Response Chief Implementor Sec. Carlito Galvez, Jr., Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, Jr. , Health Secretary Francisco Duque III kasama si Dr. Annabelle Yumang Regional Directors sa DOH XI ang pangatlong Covid-19 Vaccine Transport and Vaccination Simulation Exercise ng lungsod ng dabaw.