-- Advertisements --

Nakakuleta ng kabuuang 51.2 tonelada ng basura ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kasunod ng pananalasa ng Super Typhoon Uwan.

Ito ay katumbas ng 22 truck ng basura na nagmula sa iba’t-ibang bahagi ng Metro Manila.

Marami sa mga nakulektang basura ay mula sa mga estero, ilog, at mga sapa na inanod ng tubig baha, habang ang iba ay nakulekta rin sa dalampasigan na isinadsad ng malalakas na alon.

Ayon sa MMDA, nagpapatuloy pa rin ang pangungulekta sa mga basura at malawakang clearing operations sa mga daluyan ng tubig, lalo na ngayong bumuti na ang panahon.

Muli ring ipinaalala ng ahensiya ang kahalagahan ng akmang waste management para mapigilan ang matinding pagbaha.