-- Advertisements --
Nakahakot ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng nasa 288 na sako ng mga basura mula sa araw ng halalan.
Ayon sa MMDA na karamihan sa mga basura ay gaya ng sample ballots, plastic bottles at food packs.
Ang nasabing basura ay katumbas aniya ng nasa 1.44 na tonelada ang bigat.
Kasabay din nito ay hinikayat ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga kandidato na tanggalin ang kanilang kanilang mga election posters.