Nilinis ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ilang kalsada sa Quezon City kaninang umaga bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga tao para sa Undas.
Pinangunahan ni Gabriel Go, ang hepe ng MMDA Special Operations Group, ang paglilinis na nagsimula sa mga alternatibong ruta ng mga pampublikong sasakyan (PUVs), tulad ng Denver Street sa Brgy. Immaculate Conception, Quezon City.
Pinara at hinila rin ang mga sasakyang ilegal na nakaparada at iba pang mga bagay na nakaharang sa mga kalsada malapit sa mga bus terminal sa Cubao, Quezon City.
Ayon kay Go, mahalaga na malinis ang mga alternatibong ruta upang mapabilis ang biyahe ng mga pasaherong uuwi sa probinsya.
Idinagdag pa niya na kapag maayos ang mga ruta ng bus at walang sagabal, mas magiging mabilis at komportable ang paglalakbay ng mga pasahero.