Donovan Mitchell Utah Jazz 1
-- Advertisements --

Nakalusot ng isang puntos lamang ang Utah Jazz upang maiwasan ang delikadong Cleveland Cavaliers, 109-108

Nagbuhos ng 35 points ang Jazz star na si Donoval Mitchell upang iposte ng team ang ika-16 na panalo.

May tiyansa pa sana ang Cavs (13-11) na maagaw ang panalo nang muntikan ng maipasok ni Julius Garland ang tira sa kabila na 2.9 second ang nalalabi sa game.

Samantala, sumuporta naman sa panalo ng Utah sina Rudy Gobert na may 20 rebounds at five blocks, at si Bojan Bogdanovic na nagdagdag ng 16 points at si Rudy Gay naman ay may 15 para sa Utah.

Sa kabuang nagtala ng 20 3-pointers ang Jazz pero nahabol sila sa 15-point lead sa fourth.

-- Advertisement --