-- Advertisements --

Umeksena ang Filipino-American player na si Jordan Clarkson sa panibagong panalo ng NBA top team na Utah Jazz laban sa Boston Celtics.

Nagtala kasi si Clarkson ng 20 points mula sa bench upang suportahan ang top scorer nila at NBA All-Star na si Donovan Mitchell na nag-ambag ng 21 points.

Noong unang bahagi ng laro abanse pa ang Boston pero pagsapit sa fourth quarter ay doon na nag-collapse na siya namang sinamantala ng Jazz.

Ito na ang ika-29 na panalo ng Jazz at tuluyang ma-sweep ang Boston sa kanilang match-ups.

Nagsama ng puwersa sina Jayson Tatum at Jaylen Brown sa Celtics na merong 29 at 28 points pero hindi ito umubra sa init sa three point area ng Utah Jazz.

-- Advertisement --

Hawak naman ng Boston ang 20 panalo at 19 na ang talo.