ILOILO CITY – Asahan ang engrandeng homecoming para kay Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa kanyang hometown sa bayan ng Balasan, Iloilo.

Una nang sinabi ng 23-year-old half Indian beauty na posibleng uuwi na siya sa susunod na buwan bago magsimula ang training sa Miss Universe 2020.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Balasan, Iloilo Mayor Manuel Ganzon, sinabi nito na inihahanda na nila ang magiging programa sa pag-uwi ni Mateo.

Ayon kay Ganzon, ang panalo ni Rabiya ay maituturing na “once in a lifetime event” kaya dapat lang na maging bongga.

Napag-alaman na si Rabiya ay lumaki sa Balasan, Iloilo kung saan siya nagtapos ng elementarya hanggang highschool at consistent honor student.