CENTRAL MINDANAO-Pinaghahanap ngayon ng mga otoridad ang mister na pumaslang sa kanyang misis sa South Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Emma Cabel Segundo,55 anyos,may asawa at residente ng Barangay Datal Bob, Tboli. South Cotabato.

Ayon sa ulat ng pulisya, na nagtalo umano ang biktima at mister nito na si Freddie Cail Segundo dahil sa personal na problema sa kanilang pamilya.

Hindi napigilan ni mister ang sobrang galit at binaril si misis gamit ang kalibre.45 na pistola.

Patay on the spot ang biktima nang magtamo ng tama ng bala sa kanyang ulo.

Habang mabilis namang tumakas ang suspek at patuloy ngayong pinaghahanap ng pulisya.