Dalawang cardinal ang nanguna sa misa sa huling linggo bago pa man ang gaganaping conclave o pagpili ng bagong lider ng simbahang Katolika.
Kabilang dito sina cardinal Jean-Marc Noel Aveline at Wilton Daniel Gregory ang nangasiwa sa misa sa magkahiwalay na simbahan.
Ang 66-anyos na arsobispo ng Marseille, France na si Aveline ay ikinokonsiderang posibleng maging pope na susunod sa yapak ng namayapang si Pope Francis.
Siya ay kilala sa kaniyang kahalintulad na ideolohiya ng pumanaw na Catholic pontiff, lalo na sa immigration at pakikipag-ugnayan sa mga Muslim.
Kung siya ang mapiling susunod na Santo Papa, si Aveline ay ang kauna-unahang French pope simula 14th century.
Samantala, si Wilton Daniel Gregory na dating arsobispo ng Washington ay siyang unang African- American cardinal ng simbahan na itinalaga ni Francis noong 2020.
Pinangunahan naman niya ang misa sa Saint Mary Immaculate Parish, ang simbahan sa labas ng Roma.
Sa May 7, 2025, inaasahan ang nasa 133 cardinals ang dadalo sa Sistine Chapel na magiging contender para sa susunod na pinuno ng simbahan.