-- Advertisements --

11th

Nag level-up na ang military strategies hinggil sa mga inilulunsad na test mission ng mga estudyanteng sundalo kung saan naiwasan na ang pagkakaroon ng matinding casualties.

Patunay dito ang matagumpay na test mission ng mga estudyante ng Phil Army Special Forces sa probinsiya ng Sulu kung saan nag resulta ito sa neutralization nina ASG members Mujafal “Jhapz” Sawadjaan, at Muktihar Taha nuong April 23 at ASG member Arab Undo nuong nakaraang Biyernes.

Nitong Miyerkules nagtapos na ang test mission ng Special Forces Operation Course (SFOC) Class 140-20 at Special Forces Qualification Course (SFCQC) Class 17-20 ‘s sa probinsiya ng Sulu.

Isang send-off ceremony ang pinangunahan ng pamunuan ng Philippine Army 11th Infantry Division at Joint Task Force Sulu sa mga estudyanteng Special Forces.

Ang test mission ng Army’s elite force ay siyang sukatan kung epektibo ang training programs. Ito ay baptism of fire din sa bawat SF fighter.

Ayon kay JTF Sulu commander MGen. William Gonzales, malaki ang naiambag ng mga estudyanteng sundalo sa kanilang operasyon laban sa teroristang Abu Sayyaf.

11th3

Sa panayam ng Bombo Radyo kay JTF Sulu Spokesperson 1Lt Jerrica Angela Manongdo, sinabi nito na marami ng natutunan ang militar lalo na sa pagsasagawa ng test mission.

Aniya, ayaw na nilang mauulit na maraming mga sundalo ang namamatay sa mga ikinakasa nilang test mission.

Magugunita na nuong 2007, ang test mission ng mga estudyanteng Special Forces sa Tipo-Tipo, Basilan ay naging deadly mission kung saan 10 sundalo ang nasawi ng pasukin ng mga ito ang kuta ng teroristang Abu Sayyaf.

Inihayag ni Manongdo na bukod sa combat operations naging bahagi din sa test mission ng mga sundalo ang Community Support Program kung saan nakikisalamuha sila sa mga residente ng Barangay Upper Sinumaan sa Talipao, Sulu.

Kung saan namahagi ang mga ito ng seedlings para sa mga local farmers, pinangunahan ang election sa youth organization, nag organized ng inter-sitio volleyball tournament at weapons training para sa Barangay Peacekeeping Action Team.

11th4

Isang buwan nanatili sa Sulu ang mga estudyanteng sundalo at nakatakda silang grumadweyt sa pagbalik nila sa Special Forces School sa Fort Ramon Magsaysay, Nueva Ecija.

Sa kabilang dako, pinuri naman ni MGen. Gonzales si Ltc Jooney Jay Businos ng 2nd Special Forces Battalion (2SFBn) na siyang nag monitor at nag supervised sa mga aktibidad ng mga estudyante ng Special Force.

” I am sure you were able to maximize the application of your learnings in the actual operational environment. But more than that, you should be proud that you were here during the last straw of our fight against the Abu Sayyaf Group. The whole task force is greatful for the work you have done. I am sure the people of Sulu feels the same,” pahayag ni MGen. Gonzales.