CENTRAL MINDANAO – Naghigpit pa ng seguridad ang mga otoridad sa lalawigan ng Maguindanao kasunod nang guilty verdict sa mga suspek sa Ampatuan massacre case.

Una nang sinabi ni Maguindanao 2nd District Rep. Esmael ”Toto” Mangudadatu na maraming suspek pa ang nakakalaya at ilan sa kanila ay umanib na sa mga armed lawless group.

Positibo rin umanong may mga private armed groups ang pamilya ni dating Maguindanao Governor Datu Andal Ampatuan Sr.

Nangangamba umano sa kanilang seguridad ang pamilya ng mga biktima sa masaker at kaanak ni Cong. Toto.

Sa ngayon ay pinalalakas pa ng PNP at 6th Infantry (Kampilan) Division ang checkpoint operation sa Maguindanao.