Mikey Garcia
Mikey Garcia/ ig POST

Malaki ang tiwala ni Mexican-American boxer Mikey Garcia na siya na ang susunod na makakalaban ni Manny Pacquiao sa susunod na taon.

Ibinunyag pa ng dating 4-division champion na mayroon ng negosasyong nagaganap sa kampo nila at kampo ng fighting senator.

May malaki aniya na itong posibilidad na matapos at maplantsa ang nasabing kontrata.

Paglilinaw pa nito na natatagalan pa ang negosasyon dahil sa masyadong abala ang Filipino boxing champion.

Huling lumaban si Garcia ay noong Marso ng matalo ito kay IBF welterweight champion Errol Spence habang si Pacquiao ay nagwagi sa laban niya kay Ketih Thurman noong Hulyo.