Hindi nababahala si four-division world champion Mikey Garcia sa pagmamaliit ng karamihan sa paghaharap niya kay IBF world welterweight champion Errol Spence Jr.

Aakyat kasi ng dalawang weight class si Garcia para makaharap si Spence.

Aminado ito na mas maliit siya kay Spence.

May record si Garcia na 39-0 win-loss record kabilang na ang 30 knockouts habang si Spence ay mayroong 24 panalo at wala pang talo na mayroong 21 knockouts.

Gaganapin ang laban ng dalawa sa Marso 17 sa AT&T Stadium sa Arlington, USA.