Hanopol Mike
-- Advertisements --

Iginiit ng Pinoy rock icon na si Mike Hanopol na wala itong intensiyon ng masama sa paglantad sa publiko sa paninigil kay Senator Manny Pacquiao.

May kaugnayan ito sa naging social media post nito na hindi siya nabayaran ng mambabatas sa tatlong kanta na kaniyang ginawa noon pang taong 2019.

Sinabi nito na kailangan niya ngayon ng pera kaya naniningil ito ng talent fee bilang singer at songwrtier.

Kasama pa niya noon ang Jewish vlogger na si Drew Binsky ng mabuo ang kasunduan.

Gagamitin aniya ng senador ang kanta ng personal niya itong nakausap.

-- Advertisement --

Hindi rin malaman nito kung ano ang dahilan sa hindi pagbabayad ng boxing senator.

Saad pa nito na nasa senador na ang mga kanta.

Si Hanopol ay miyembro ng legendary Filipino rock group na Juan dela Cruz band kasama ang mga pumanaw na sina Joey “Pepe” Smith at Wally Gonzalez.