Tiwala si Buboy Fernandez na mayroon pa ring knockout power si Filipino boxing icon Manny Pacquiao.
Sinabi ng longtime trainer na kayang-kaya ni Pacquiao na mapatumba sa loob ng ikatlong round si Mario Barrios.
Nakita nito sa mga ensayo ang kondisyon ngayon ni Pacquiao ganun din ang bilis at lakas lalo na ang ilang sekretong galawan na ipapamalas sa loob ng boxing ring.
Nasisiguro rin ni Fernandez na maaring mahihirapan si Barrios na kasalukuyang World Boxing Council welterweight champion.
Hindi mahalaga na bilangin ang 46-anyos na edad ni Pacquiao at sa halip ay dapat bilangin ang mga suntok nito.
Itinuturing ni Fernandez na ang laban nito ni Pacquiao ay tulad ng laban niya noon kay Oscar Dela Hoya noong taong 2008.
Si Pacquiao ay mayroong 62 panalo, walong talo at dalawang draw na mayroong 39 knockouts habang ang 30-anyos na American boxer na si Barrios ay mayroong 29 panalo, dalawang talo at isang draw na mayroong 18 knockouts.