Pinasaringan ng composer ng mga kanta 8 division world boxing champion Manny Pacquiao ang mga Pilipinong ayaw umanong suportahan ang ating kababayang boksingero.
Ayon kay Lito Camo, nakakalungkot na may mga kapwa tayo Pinoy na hindi kayang magpakita ng kahit moral support kay Pacman.
Ang mas nakakadismaya pa ay may ibang mas pinipili pang sumuporta sa kalaban, habang may mga bumabatikos pa sa pambansang kamao.
Naniniwala si Lito na sa huli ay karangalan ng mga Pilipino pa rin ang bitbit ni Pacman sa bawat tagumpay nito sa ibabaw ng ring.
Si Lito ay nasa Las Vegas bilang miyembro ng Team Pacquiao.
Siya rin ang composer ng mga awitin ni Pacman na kinabibilangan ng:
“Lalaban Ako Para sa Pilipino”
“Para Sa’yo Ang Laban Na ‘To”
“Lahing Pilipino”
“Laban Nating Lahat Ito”
“Theme Pacquiao” (with Gloc-9)