stranded matnog port sorsogon
Stranded passengers at Matnog Port in Sorsogon (photo courtesy of Itslizawong@Lizacr03)

LEGAZPI CITY – Sa kabila ng pormal nang pag-usad ng pila ng mga naantalang biyahe sa Matnog Port sa Sorsogon, ipinangangamba ng Philippine Coast Guard (PCG) na posible pang abutin ng bagong taon ang ilan sa mga pasaherong una nang na-stranded.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay CPO Nelson Jazo, substation commander ng Coast Guard Substation Matnog, ilan sa mga na-stranded ang nakabiyahe na subalit dagsa pa rin ang pagdating ng mga bagong pasahero na humahabol sa holiday season.

Ayon pa kay Jazo, nasa lima hanggang anim na kilometro pa ang mga nakalinyang bus at trucks sa nasabing pantalan.

Giit ni Jazo na kung hindi naman gaanong mahalaga ang pakay, ipagpaliban na muna ang biyahe dahil mas prayoridad na makaalis ang mga na-stranded mula pa bisperas ng Pasko.

matnog port 1 stranded
stranded matnog port 1
matnog stranded sorsogon
stranded trucks matnog