-- Advertisements --

KALIBO, Aklan — Matindi na rin ang panawagan ng mga stakeholders sa Boracay para tanggalin na ang hinihinging swab test sa mga turistang gustong magbakasyon sa isla.

Ayon kay Aklan Governor Florencio Miraflores nagpasa sila ng hiwalay na resolusyon upang ipaabot sa Inter-Agency Task Force ang kanilang kahilingan.

Malaki ang kanilang pananiniwala na ang pagtanggal sa hinihinging negatibong real-time reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) test sa mga turista ay makakatulong upang madagdagan pa ang tourist arrivals.

Ipinasiguro ni Gov. Miraflores na mahigpit pa rin na ipatutupad ang pagkuha ng health declaration card at temperature checks, gayundin ang health protocols, gaya ng pagsusuot ng face masks , physical distancing, at palaging paghuhugas ng kamay.

Kasamang nagpasa ng resolusyon ang tatlong barangay sa Boracay na Yapak, Balabag, at Manocmanoc kasama ang Barangay Caticlan.

Umapela rin ang transport at business groups.

Nangangamba aniya ang mga negosyante na maaring muli nilang papauwiin ang kanilang mga pinabalik na mangggawa dahil sa mababang bilang ng mga turista.