Nakalikom ng $4.8 million ang mga sikat na tennis players sa buong mundo bilang tulong sa mga biktima ng wildfire sa Australia.

Isinagawa ang exhibition games sa Melbourne, Australia, ilang araw bago ang pormal na pagsisimula ng Australian Open.

Bukod sa laro ay nagbenta rin ang mga manlalaro ng kanilang gamit at ang pera na kanilang nalikom ay ibinigay bilang donasyon.

Pinangunahan nina Roger Federer, Nick Kyrgios, Rafael Nadal, Serena Williams, Caroline Wozniacki at Alexander Zverev.

Inimbitahan din nila ang mga Autralian firefighters para makalaro nila.

-- Advertisement --

Mayroon ng mahigit 2,500 na kabahayan ang natupok at 28 katao ang nasawi sa wildfire na nagsimula pa noong Setyembre.