-- Advertisements --

Naghahanda na si Pinay tennis star Alex Eala para sa potensiyal na rematch kay Jelena Ostapenko sa Eastbourne Open.

Tinalo kasi ni Ealal ang Latvia star noong Miami Open.

Ang nasabing rematch ay matapos na talunin ni Eala si World number 61 Lucia Bronzetti sa score na 6-0, 6-1 sa Round of 16 ng torneo.

Makakaharap ni Eala si Ostapenko kapag manalo siya kay Sonay Kartal ng United Kingdom.

Ito na ang huling torneo ni Eala bago ang pagsabak niya sa Wimbledon.