-- Advertisements --

Naging emosyonal si Pinay tennis star Alex Eala matapos talunin si Varvara Gracheva ng France sa semifinals ng Easrtbourne Open sa United Kingdom.

Nakuha ni Eala ang score na 7-5, 2-6 at 6-3 para tiyak na makapasok sa unang WTA Tour level finals.

Sa unang set ay dominado ni Eala ang laro pero sa sa ikalawang set ay nakabawi ang French tennis player hanggang pagpasok ng ikatlong set ay doon nakabawi ang Pinay tennis player.

Sinabi ni Eala na hindi niya akalain na makapasok finals dahil sa matinding laro na ipinakita ng French tennis star.

Makakaharap ni Eala sa finals si Maya Joint ng Australia sa araw ng Sabado.