-- Advertisements --

Pasok na sa quarterfinals ng 2025 Eastbourne Open si Pinay tennis star Alex Eala.

Kasunod ito sa maagang pagsuko o pagretiro sa laro ni dating Grand Slam champion Jelena Ostapenko dahil sa injury.

Naging mabagal ang simula ni Eala hanggang nakabawi habang lamang ito na 3-2 ay tumawag ng medical timeout ang Latvian tennis star.

Sumakit kasi ang left ankle ng Latvian tennis star sa Set 3 at ng ikalawang pagkakataon ay minabuti nitong magretiro na.

Sinabi ni Eala na hindi maganda ang ganitong panalo lalo na at may injury ang kapwa tennis player.

Umaasa ito na gumaling agad si Ostapenko kung saan maituturing na ang laro bilang rematch nila ng talunin muli ni Eala siya sa Miami Open.

Susunod na makakaharap ng Pinay tennis star ang sinumang manalo sa pagitan nina Francesca Jones ng Britanya at si Dayana Yastremska ng Ukraine.