-- Advertisements --

Naglabas ng kanilang pag-suporta ang ilang mga senador sa pagkakatalaga kay Transportation Secretary Vince Dizon bilang bagong kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Kasunod ito sa pagbibitiw sa puwesto ni DPWH Secretary Manuel Bonoan.

Sinabi ni Senate-President francis ‘Chiz’ Escudero na handang suportahan ng Senado si Dizon kung saan ipinagdarasal nila ang tagumpay bilang bagong DPWH Secretary.

Umaasa ito na tuluyang matuldukan ni Dizon ang lahat ng mga nagaganap na kurapsyon sa ahensya.

Pinuri naman ni Senator Jinggoy Estrada ang pagkakatalaga kay Dizon sa DPWH.

Ayon sa Senador na naging maganda ang ipinakita ni Dizon sa DOTr kaya umaasa ito ng mahahawakan niya ng maganda rin ang DPWH.

Hindi rin maiwasan ng Senador na malungkot sa pagbibitiw ni Bonoan dahil sa galing ito sa mababang puwesto ng DPWH hanggang umangat sa puwesto at aalis naman ito sa puwesto ng hindi pa nasasagot ang mga kuwestiyonableng proyekto.

Pinuri naman ni Sen. Erwin Tulfo sa pagkakatalaga kay Dizon dahil sa loob aniya ng anim na buwan nito sa DOTr ay marami na itong nabigyan ng aksyon.

Mararapat na maupo si Dizon sa DPWH dahil sa dami ng mga reklamo ukol sa flood control projects ay kailangan ang kalihim na agresibo gaya ni Dzion at umaasa ang Senador na sa pamumuno ni Dizon ay mawakasan na ang sabwatan ng mga kontratista, ilang opisyal ng DPWH at ibang mga public officials.

Sa panig naman ni Sen. Joel Villanueva, na isang mabigat ngayon na trabaho ni Dizon ay ang paglilinis ng DPWH.

Magiging crucial ang kaniyang pagkakatalaga dahil sa ibinigay sa kaniya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang buong tiwala para pamunuan ang DPWH na nahaharap ngayon sa kontrobersiya.

Tiniyak ni Sen. Villanueva na ibibigay nila ang buong suporta sa bagong mamumuno ng DPWH.