CAGAYAN DE ORO CITY- Naibsan na ang trauma na nararanasan ng halos 200 pasyente na unang inilikas palabas mula sa dalawang pribadong pagamutan sa bayan ng Don Carlos,Bukidnon.
Ito ay matapos yumanig ang 5.9 magnitude na lindol na namataan ang sentro sa bayan ng Kadingilan at naglabas ng malakas na enerhiya dahilan na malaking bahagi ng Mindanao ang tinamaan kagabi.
Base na rin sa inisyal na pag-iikot ng Bukidnon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) inspection team sa mga bayan at syudad na apektado sa malakas na lindol kagabi.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni PDRMMO head Johanes Damasco na nagtamo ng maraming bitak sa mga pader ang Pahilan Hospital at Simbulan Hospital kaya mismo na ang nasa 200 pasyente ang nag-desisyon na mananatili muna sa gymnasium sa bayan ng Don Carlos.
Inihayag ni Damasco na nagtala rin ng tatlong residente na nabagsaka ng debris subalit nasa ligtas ng kalagayan ang mga ito sa bayan ng Maramag.
Dagdag ng opisyal na nasira rin ang municipal hall at session hall ng Sangguniang Bayan ng Kadingilan at maraming kabahayan ang pinayuko mula sa limang barangay dahil sa kakaibang galaw ng lindol kagabi.
Inirekomenda rin na hindi muna ipapagamit ang barangay hall sa bayan ng Maramag dahil sa malubhang danyos.
Magugunitang maging sa syudad ng Valencia at bayan ng Kalilangan ay nagtamo rin ng mga pagkasira ang ilang kabahayan dahil sa malakas na intensities mula sa lindol.
Napag-alaman na hindi lamang ordinaryong earthquake movement ang tumama sa Bukdinon na umaabot sa ibang bahagi ng Mindanao subalit para itong idini-dribol na bola na limang kilometro lamang ang lalim na tectonic in origin kaya nagdulot ng malaking pinsala.