-- Advertisements --

Itinanggi ng mga residente ng Kalinga na kanilang pinoprotektahan si Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag.

Ang nasabing komento ay kasunod ng pahayag nina Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla and BuCor Director General Gregorio Catapang Jr na mapanganib sa mga tao at probinsiya kung isagawa nila ang operasyon.

Ayon sa mga residente na hindi kabilang si Bantag sa anumang tribo sa Kalinga at walang siyang mga kaanak doon.

Dagdag pa nila na ginagamit lamang nilang palusot ang tribo para sa bigong pag-aresto kay Bantag.

Magugunitang itinuturong utak si Bantag sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid at Cristito Villamor na siyang tumayong middleman para mapatay si Lapid.