Pinare-review ngayon ni Interior and Local Government Secretary Mike Sueno ang kaso ng mga pulis na na-dismiss sa serbisyo ngunit naibalik o nare-instate noong panahon ng nakalipas na administrasyon.

Ayon kay Sueno na batay sa kanilang data, nasa 47 na mga dismissed policemen ang naibalik sa pamamagitan ng dating kalihim ng DILG.

Hindi naman binanggit ni Sueno kung sino ang dating kalihim, ngunit ang kalihim dati ay si Sec. Mar Roxas.

Paliwanag ni Sueno na hindi dumaan sa tamang proseso sa NAPOLCOM ang reinstatement ng nasabing mga pulis dahil dumiretso ito sa office ng dating DILG secretary.

Sa ngayon, pinag-aaralan na ito ng grupo ng mga abogado ng DILG.