-- Advertisements --

Ilulunsad na sa buwan ng Hulyo ang national emergency hotline para mapalakas ang seguridad sa bansa.

Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, na ang Unified 911 Emergency System ay inaasahan na sisimulan ng ipatupad sa Central Visayas, Ilocos Region, National Capital Region (NCR) at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindana (BARMM).

Kasabay din nito ay sisimulan nila ang pagpapakalat ng mas maraming mga kapulisan na tinatawag nilang “Cops on the Beat”.

Una ng sinabi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ang nasabing emergency hotline ay gumagamit ng makabagong teknolohiya para mapabilis ang pagresponde ng mga kapulisan.