Inatasan ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Eleazar ang mga pulis na paigtingin ang pagpapatrolya sa gabi.
Ito’y habang papalapit ang Pasko at payagan na rin ng IATF ang pangangaroling sa mga lugar nasa alert level 2.
Ayon kay Eleazar, inaasahan nang magsisimula ang pangangaroling ng mga kabataan na bahagi na ng tradisyon nating mga Pilipino.
Kaya naman para mabantayan ang kanilang aktibidad at para na rin sa kanilang seguridad ay ipinag utos nya ang aktibong patrolya tuwing gabi.
Samantala, kahit pa bumababa ang kaso ng COVID-19, sinabi ni Eleazar na hindi ito dahilan upang maging kampante at magpabaya sa pagsunod sa minimum public health standards.
Panawagan niya, maging maingat nang sa gayon ay mas masaya ang pagdiriwang ng Pasko.