DFA
-- Advertisements --

Umabot na sa kabuuang 5,259 ang bilang mga Filipino na nasa ibang bansa na nadapuan ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) sa nasabing bilang ay mayroong 354 ang nasawi at 2,205 naman ang gumaling na.

Nasa 2,700 naman ang kasalukuyang nagpapagaling.

Galing sa 49 na bansa ang bilang kung saan nagtatrabaho ang mga Filipino.

Pinakamaraming bilang ng nasawi ay sa America kung saan mayroong 151 habang sa Middle East ay may pinakamaraming gumaling na may kabuuang 1,324.

-- Advertisement --

Patuloy pa rin ang ginagawang pakikipag-ugnayan ng DFA sa iba’t-ibang mga bansa kung saan nadapuan ang mga Filipino.