CAGAYAN DE ORO CITY – Kinondina ng pamilya ng namatay na black American na George Floyd ang ilang mga pulitiko na tila nakisakay sa sentimento ng mga demonstrador na totoong nagluluksa dahil itoy naging biktima ng racial discrimination sa Minneapolis City, sa estado ng Minnesota.

Sinabi ni Nikko Duterte, medical frontliner ng Houston Texas na mula Minnesotam, dinala na sa kanilang ancestral home ang mga labi ni Floyd ay naka schedule na ang mga aktibidad para sa igsasagawang mass vigil sa bayan ng Third Ward, Houston

Dagdaga pa nito na bubuksan ang public viewing ng mga labi ni Floyd ngayong Hunyo 8 sa Discovery Green Activity Center.

Isa si American boxing champion Floyd Mayweather jr. na bibisita sa lamay ni Floyd bago ang paglilibing nito sa Hunyo 9.