DFA
-- Advertisements --

Nadagdagan pa ang bilang ng mga Filipino na nasa ibang bansa na dinapuan ng COVID-19.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) mayroong karagadagang 84 ang bagong bilang na dinapuan ng COVID-19 na mga Pinoy mula sa ibang bansa.

Dahil dito mayroong kabuuang 23,468 na ang dinapuan ng COVID-19.

Nadagdagan din ng 68 ang bilang ng mga gumaling na mayroong 13,731 habang mayroong anim ang nadagdag sa mga nasawi na mga overseas Filipinos.

Patuloy naman nagpapagaling ang nasa 8,342 na mga Pinoy na dinapuan ng COVID-19.

-- Advertisement --

Nanguna ang Middle East at Africa sa may pinakamaraming mga Pinoy na dinapuan ng COVID-19.